Php118K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska; drug suspect, arestado sa Iriga City

0
24

Arestado ang isang drug suspect matapos makumpiskahan ng humigit-kumulang Php118,184.00 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang Search Warrant Operation sa pangunguna ng Iriga City Police Station (CPS) nito lamang September 10, 2026, sa Zone 1, Brgy. San Francisco, Iriga City.

Nanguna sa operasyon ang City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa pangunguna ni PLtCol Jeric Don P. Sadia, Acting Chief of Police.

Kabilang sa nakumpiska ng kapulisan ang ilang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 17.38 gramo at tinatayang street value na Php118,184.00.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant na inisyu ng Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 37, Iriga City, sa koordinasyon sa PDEA Region V.

Samantala, naitala naman ang buong operasyon gamit ang PNP-issued body-worn cameras bilang bahagi ng pagpapanatili ng transparency at accountability.

Patuloy na pinaiigting ng Iriga City Police Station ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad. Hinihikayat naman ng kapulisan ang publiko na manatiling mapagmatyag at makiisa sa Pambansang Pulisya tungo sa isang mas ligtas at drug-free na komunidad na nakabatay sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1XyBgM5tXn/

Leave a Reply