7-Point Agenda, inilatag ni PLtGen Nartatez sa kanyang unang Command Conference

0
7521

Masusing inilatag ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang kanyang Seven-Point Agenda kasabay ng kanyang pinaka-unang Command Conference bilang Acting Chief, Philippine National Police na ginanap sa PNP Multi-Purpose Center, Camp Crame, Quezon City nito lamang Agosto 29, 2025.

Dumalo sa naturang pagtitipon ang iba’t ibang PNP Senior Officials mula sa PNP Command Group, Directorial Staff, at mga Director mula sa National Support Unit at Police Regional Offices.

Sa kanyang mensahe, inisa-isa ni PLtGen Nartatez ang kanyang mga priority programs at marching orders, kabilang dito ang kanyang Seven Point Agenda na (1) Employing Enhanced Managing Police Operations (EMPO); (2) Sustaining the campaign against illegal drugs, loose firearms, and terrorism; (3) Revisiting, improving, and implementing risk management plans at all levels; (4) Reviewing and strengthening security measures for vital installations and other areas of concern; (5) Ensuring effective management of activities, events, festivities, and crowd control; (6) Promoting the morale and welfare of personnel; at  (7) Strengthening the efficient management of human, material, and financial resources.

Dagdag pa ni PLtGen Nartatez, sa pamamagitan ng nasabing mga priority programs, mas matututukan ng Pambansang Pulisya ang pagpapatupad nito ng mga strategic police operations sa buong bansa, at mas mapagtibay pa ang pagkakaroon ng responsible policing at good governance sa buong hanay.

Samantala tiniyak naman ng bagong Acting Chief, PNP na sa ilalim ng kanyang pamamahala, ay pagtuunan ng Pambansang Pulisya ang epektibong paggamit ng mga resources nito, mga tauhan, logistics at finances ng organisasyon upang mapanatili ang paghahatid ng disiplinado at makataong serbisyong pampulisya.