6 CTG members, nagbalik-loob sa sa pamahalaan; mga armas, isinuko sa PRO8

0
488

Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang anim na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) mula sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas nito lamang April 24-26, 2026.

Naunang sumuko sa mga operatiba ng 801st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 8 (RMFB-8) noong April 24, 2026, si alyas “Jaime,” 46-year-old at residente ng Oras, Eastern Samar, na dating miyembro ng SRC, ARCTIC, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Sa parehong araw, sumuko rin sa 2nd Leyte Provincial Mobile Force Company (LPMFC) si alyas “Marlon,” 41 anyos, at residente ng Leyte, Leyte, isa ring former member ng Sub-Regional Party Committee LEVOX of EVRPC. Kabilang sa kanyang isinuko ay ang walang markang .38 revolver, dalawang rounds ng ammunition, isang yunit ng 40 mm rifle grenade, at 4.5 meters ng detonating cord.

Sumunod namang sumuko noong April 25 sa 803rd MC, RMFB 8, si alyas “Ronnie,” 28 anyos, residente ng Catarman, Northern Samar, at isa ring former member ng SRC EMPORIUM, EVRPC.

Samantala noong April 26, tinulungan naman ng Lope De Vega Municipal Police Station, ang pagsuko ni alyas “Jerry,” isang 32 anyos at residente ng Lope De Vega, Northern Samar. Isinuko rin nito ang kanyang isang yunit ng rifle grenade.

Sa parehong araw, sumuko rin sa 804th MC, RMFB 8, si alyas “Jose,” 42 anyos at residente naman ng Bobon, Northern Samar, na dating namang kasapi ng SRGU, SRC, EMPORIUM, EVRPC.

Pareho namang tinulungan ng mga tauhan ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company (ESPMFC) si alyas “Ruel,” isang 60-anyos na residente ng Dolores, Eastern Samar, sa kanyang pagsuko bilang dating kasapi ng Sub-Regional Committee, ARCTIC, EVRPC.

Bahagi ang nasabing mga inisyatiba ng Police Regional Office 8 sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Jason L Capoy, Regional Director, sa direktiba ni Chief, Philippine National Police (PNP), Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., na pagtibayin pa ang mga kampanya ng pulisya upang sugpuin ang lahat ng uri ng mga local armed conflict at palawigin pa ang mga hakbang ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko partikular na sa masamang dulot ng terorismo.

“PRO 8 will continue to intensify its operations alongside community engagement initiatives to completely end local communist armed conflict,” pahayag pa ni PBGen Capoy.

Leave a Reply