542 violators, nahuli sa pinaigting na operasayon ng Cebu PPO

0
22

Mas pinaiigting pa ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad at mga paglabag sa ordinansa matapos maaresto ang 542 violators sa magkakasabay na operasyon sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Cebu noong Mayo 14, 2026.

Alinsunod sa direktiba ni DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla Jr., ipinatupad ng CPPO ang OPLAN Bulabog, OPLAN Sita, at Night Watch Operations upang mapanatili ang kaayusan, disiplina, at seguridad sa mga komunidad sa buong lalawigan.

Batay sa ulat, karamihan sa mga naitalang paglabag ay may kaugnayan sa traffic ordinances, curfew violations ng mga menor de edad, pag-inom ng alak at paninigarilyo sa pampublikong lugar, gayundin ang iba pang mga paglabag sa lokal na ordinansa. Umabot naman sa Php164,550 ang kabuuang multang ipinataw sa mga violators.

Ayon kay Cebu PPO Provincial Director, Police Colonel Abubakar Udang Mangelen Jr., layunin ng operasyon na higit pang mapalakas ang disiplina at pagpapatupad ng batas sa mga komunidad.

Pinuri rin ni PRO7 Regional Director, Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad, ang CPPO sa patuloy nitong mga komprehensibong operasyon para sa kapayapaan at kaayusan ng publiko.

Tiniyak ng Cebu PPO na magpapatuloy ang kanilang anti-criminality at ordinance enforcement operations bilang bahagi ng pagsusulong ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Leave a Reply