Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG) ang dalawang Most Wanted Persons sa magkahiwalay na operasyon sa Pangasinan at Ilocos Sur.
Unang nagsagawa ng operasyon nitong Mayo 11, 2026 sa San Nicolas, Pangasinan ang mga operatiba ng Dasol Maritime Law Enforcement Team (MLET) kasama ang iba pang mga sangay ng gobyerno sa Brgy. Población East, San Nicolas, Pangasinan na nagresulta sa pagkakaaresto sa Top 1 (Municipal Level) at Top 8 (Provincial Level) Most Wanted Persons sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code nang walang piyansang inirekomenda.
Samantala, noong Mayo 12, 2026 sa Narvacan, Ilocos Sur, matagumpay ding naipatupad ng San Esteban MLET, katuwang ang Baguio City Police Office-CIU at 103rd MC, RMFB1 ang warrant of arrest laban sa isang indibidwal na kabilang sa Top 5 (Provincial Level) at Top 2 (Municipal Level) Most Wanted Person na nahaharap naman sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Section 5(B) of RA 7610 na may nakatakdang piyansa na nagkakahalaga ng PhP180,000.00.
Ang matagumpay na operasyong ito ay direktang nakaangkla sa Enhanced Managing Police Operations at sa pinaigting na koordinasyon at mabilis na aksyon ng kapulisan laban sa mga indibidwal na may kinahaharap na kaso sa batas upang mapanatili ang kaayusan at maprotektahan ang mamamayan laban sa anumang uri ng kriminalidad, alinsunod sa isinusulong na adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



