2 suspek sa kasong robbery with homicide, huli sa mabilis na aksyon ng Guadalupe Police

0
21

Mabilis na natukoy at naaresto ng mga tauhan ng Police Station 9 ang dalawang suspek sa kasong Robbery with Homicide kasunod ng agarang pagresponde ng kapulisan at masusing imbestigasyon sa Barangay Guadalupe, Cebu City.

Matatandaang nito lamang Mayo 13, 2026, rumesponde ang mga pulis sa isang dead person alarm sa J. Fortich St., Banawa, Brgy. Guadalupe kung saan natagpuan ang walang buhay na caretaker ng Grand Land Warehouse na may mga sugat at bakas ng pananakit sa katawan.

Sa pangunguna ni PCpt Venstine Ponce Bontilao, Station Commander ng PS-9 ng Cebu City Police Office, agad nagsagawa ng follow-up investigation at hot pursuit operation ang Police Station 9 katuwang ang mga barangay officials, concerned citizens, at mga confidential informants.

Nito lamang Mayo 14, 2026, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen, agad nagtungo ang mga operatiba sa isang shanty sa J. Fortich St., Banawa kung saan matagumpay na naaresto ang dalawang suspek nang walang naitalang anumang seryosong insidente.

Pinuri ng Cebu City Police Office ang dedikasyon ng mga operatiba at ang pakikipagtulungan ng komunidad na naging susi sa mabilis na pagkakalutas ng kaso. Ipinapakita ng matagumpay na operasyong ito ang patuloy na pagsusulong ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply