50 kabataan, nagbenepisyo sa Feeding Program ng Zamboanga City Police Office

0
189

Nagsagawa ng Feeding Program ang mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 1 para sa mga kabataan ng Barangay Tictapul, Zamboanga City nito lamang Biyernes, Hulyo 17, 2026.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Jess Rick T Mendoza, Officer-in-Charge ng Zamboanga City Police Station 1, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month, kung saan 50 kabataan ang naging benepisyaryo ng naturang feeding program.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Hon. Rey Anjo Cabayacruz at stakeholders.

Layunin ng nasabing programa na patatagin ang ugnayan nito sa publiko, maghatid ng malasakit sa kabataan, at isulong ang makabuluhang paglilingkod sa komunidad bilang bahagi ng adhikain na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply