2nd Surigao del Sur PMFC, naghatid ng saya at pag-asa sa mga mag-aaral ng Himat-e Integrated School

0
239

Nagsagawa ng outreach activity ang mga bumubuo ng 2nd Surigao del Sur Provincial Mobile Force Company para sa mga mag-aaral ng Himat-e Integrated School kaugnay sa ika-31 Police Community Relations (PCR) Month sa Purok Upper, Sitio Himat-e, Brgy. Cayale, Tago, Surigao del Sur, noong Hulyo 17, 2026.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Nelson C Nelmida, Force Commander ng 2nd Surigao del Sur PMFC, ang pamamahagi ng mga school supplies na nagpapakita ng dedikasyon sa pagtataguyod ng kapakanan ng kabataan, pagbibigay-halaga at suporta sa larangan ng edukasyon, pagpapaigting ng mabuting ugnayan ng kabataan at pulisya.

Patunay ang naturang outreach activity na ang PNP, ay nananatiling aktibong tagapagtaguyod ng mga programang nakatuon sa edukasyon at paglikha ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataan, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply