Arestado ang 2 lalaki at nakumpiska ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 408K sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Ampang, Argao, Cebu noong Hulyo 17, 2026.
Kinilala ni PCpt Eden Rex L Baguio, Officer-in-Charge ng Argao MPS, ang mga suspek na sina alyas “Raymond” at alyas “Elmer”.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 60 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php408,000.00.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay na mananatiling maigting ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad, alinsunod sa adhikain ng Philippine National Police, “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.”
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez



