Nakiisa ang 105th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) sa isang Tree Planting Activity na isinagawa sa Brgy. Umangan, Mangatarem, Pangasinan noong Hulyo 18, 2026, sa pangunguna ni PCpt Chris Esson A. Soriano, Acting Company Commander.
Isinagawa ang aktibidad katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) Mangatarem, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Scout Royal Brotherhood, at mga opisyal ng Barangay Umangan.
Sa naturang aktibidad, nagtanim ang mga kalahok ng mga punong namumunga bilang bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan, konserbasyon ng biodiversity, at pagpapaunlad ng mas ligtas at mas luntiang pamayanan.
Ipinakita rin ng magkatuwang na ahensya at mga kasaping organisasyon ang kanilang pagkakaisa sa pangangalaga sa likas na yaman at paghikayat sa mas aktibong pakikilahok ng komunidad sa mga programang pangkalikasan, alinsunod sa adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source:105th MC, RMFB 1



