Matagumpay na isinagawa ng 104th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) ang PNP Community Outreach Program at Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Caravan sa San Pedro III Elementary School, Brgy. San Pedro III, Alcala, Pangasinan noong Hulyo 18, 2026.
May kabuuang 273 mag-aaral at youth volunteers ang nakinabang sa aktibidad sa pamamagitan ng Basic Life Support (BLS) Lecture, CPR Drill, at Supplemental Feeding Program na naglalayong palawakin ang kaalaman sa wastong pagtugon sa mga emergency at isulong ang kalusugan ng mga kabataan.
Naging matagumpay ang programa sa tulong ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter–Urdaneta City Branch at Biotech Marketing Yakult Philippines, na nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang makabuluhang gawaing pangkomunidad.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, patuloy na pinalalakas ng PNP ang ugnayan nito sa komunidad at isinusulong ang mga programang may direktang pakinabang sa mamamayan alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: 104th MC, RMFB 1



