Isinagawa ng mga miyembro ng Leyte Police Provincial Office ang Bloodletting Activity kaugnay sa ika-31 Police Community Relations (PCR) Month na may temang “Sa Bagong Pilipinas, Ugnayang Pulis at Mamamayan Tapat, Maaasahan, at Nararamdaman ng Bayan” nito lamang Hulyo 16, 2026 sa Kuta Kankabato, San Jose, Tacloban City.
Naging posible ang aktibidad dahil sa pagsisikap ng Leyte PPO sa ilalim ng liderato ni Police Celerino M Sacro Jr., Officer-In-Charge sa pakikipag-ugnayan sa Eastern Visayas Medical Center Blood Bank.
Lumahok sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang City Municipal Police Stations at Provincial Mobile Force Companies sa buong lalawigan.
Nagbahagi ng kanilang dugo ang mga donor na mga pulis upang makatulong na matiyak ang sapat at ligtas na suplay ng dugo para sa mga pasyente at mga kaso ng agarang pangangailangang medikal. Ipinakita rin nito na ang kanilang paninindigan sa pagprotekta sa buhay ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas kundi maging sa makataong paglilingkod.
Ipinakikita ng inisyatibong ito ang matatag na dedikasyon ng mga tauhan ng Leyte PNP sa malasakit, pagkakaisa, at paglilingkod sa komunidad. Ang bawat bag ng dugo na naibigay ay sumisimbolo ng pag-asa, paggaling, at panibagong pagkakataon sa buhay para sa mga nangangailangan na naaangkop sa mantra ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: Leyte Police Provincial Office



