3 CTG members, boluntaryong sumuko sa Masbate

0
189
Screenshot

Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) nito lamang March 29, 2026 sa Baleno, Masbate.

Ang nasabing pagsuko ay naging posible sa mga kampanyang isinakatuparan ng pamahalaan sa pangunguna ng Police Regional Office 5 partikular na sa mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company, Revitalized Pulis Sa Barangay (R-PSB) Team Baao kasama ang Provincial Intelligence Unit at Baleno MPS  ng Masbate Police Provincial Office.

Ayon sa inisyal na impormasyon, kinilala ang mga sumukong CTG members na miyembro ng Kilusang Larangan Guerilla North Sub-Regional Committee 4, na nag-o-operate sa pangalawang distrito ng lalawigan ng Masbate.

Agad namang isinailalim sa kustodiya ng 1st PMFC ng Masbate PPO ang mga sumukong rebelde upang sumailalim sa iba pang mga dokumentasyon bilang bahagi ng kanilang reintegration process.

 Sasailalim din ang mga ito sa evaluation para naman sa assistance sa ilalim ng Enhanced Local Integration Program (ELCAC) at ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (e-CLIP) ng pamahalaan.

“The continued voluntary surrender of individuals reflects the effectiveness of our sustained campaign and the growing awareness among former members of armed groups of the opportunities available for peaceful reintegration. We continue to urge those who are still in the organization to take advantage of this opportunity, abandon armed struggle, return to lawful and peaceful living, and reunite with their families,” saad pa ni PBGen Erosito N Miranda, Regional Director ng PRO 5.

Dagdag pa niya na nananatiling bukas ang PRO5 upang tanggapin ang natitirang mga miyembro ng makakaliwang grupo upang magbalik-loob at sumailalim muli sa ating pamahalaan upang makatanggap ng nararapat na assistance gaya na lamang ng ELCAC at e-CLIP at mamuhay nang matiwasay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.