Agad nirespondehan ng mga tauhan ng Catbalogan City Police Station, katuwang ang Samar Police Provincial Office, ang nangyaring robbery-hold-up incident sa Catbalogan City nito lamang March 28, 2026.
Naganap umano ang insidente matapos mahuli ng may-ari na noon ay nagmomonitor sa CCTV ang tatlong suspek na nagnakaw sa Grandtours Terminal sa Brgy. 3, Catbalogan City.
Ayon sa inisyal na ulat, nagkaroon umano ng palitan ng putok sa pagitan ng may-ari at ng mga suspek kung saan nasawi ang isang suspek na naisugod pa sa ospital. Sugatan naman ang isang suspek habang nakatakas naman ang isa pa.
Ngunit na-neutralisa rin ito matapos makipagbarilan sa pulisya kasunod ng isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa Brgy. Lagundi, Catbalogan City.
Matapos ang insidente, agad namang pinroseso ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) kung saan narekober ng mga ito ang walong fired cartridge cases, dalawang fired bullets, at isang .38 caliber revolver na walang serial number na mayroon namang dalawang fired cartridge cases at three tatlong live cartridges.
Pinuri naman ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director ng Police Regional Office 8 (PRO8) ang lahat ng mga operatiba sa agarang aksyon upang magresponde sa nasabing insidente.
“We remain firm in our commitment that lawlessness has no place in Eastern Visayas, and we will continue to act swiftly against those who threaten public safety. I likewise direct all PRO 8 units to sustain intensified police visibility in transportation hubs and commercial areas to deter criminal activity and further strengthen public safety measures,” dagdag pa niya.
Samantala, umuusad naman ang follow-up investigation upang tukuyin ang posibleng involvement ng iba pang mga indibidwal sa nasabing krimen upang masampahan ng nararapat na kaso at mapanagot sa batas.


