3 arestado sa buy-bust operations ng PRO8; Higit Php400K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska

0
23
Screenshot

Matagumpay na naaresto ng Police Regional Office 8 (PRO8) ang tatlong drug suspects habang nakumpiska naman ang mahigit Php400K halaga ng hinihinalang shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Tacloban City at Samar, noong August 6, 2026.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng mga operatiba ng Tacloban City Police Office-Police Station 2, Regional Special Operations Unit 8 (RSOU-8), at Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 8 (PDEA-8), at naaresto sina alyas “Deo,” isang 46-year-old na lalaki, at si alyas “Iza,” isang 39-year-old na babae, parehong itinalaga bilang mga drug suspek at parehong mga residente ng Tacloban City.

Narekober sa kanila ang tinatayang nasa 10 heat-sealed transparent plastic sachets at isang knot-tied transparent plastic cellophane na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 60 grams at estimated Dangerous Drugs Board (DDB) value na Php408,000.00, kasama ang ilang buy-bust money.

Samantala, sa lalawigan ng Samar, naaresto naman ng mga tauhan ng Catbalogan City Police Station–Station Drug Enforcement Team (SDET), katuwang ang Samar Police Provincial Office Provincial Drug Enforcement Unit (SPPO PDEU) at ang PNP Drug Enforcement Group (PNP DEG), si alyas “Pet,” isang 25-year-old na laborer, isang drug personality mula sa Catbalogan City.

Narekober sa kanya ang limang heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na may bigat na 0.48 gramo at estimated value na Php3,264.00 at iba pang mga non-drug items.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay PBGen Jason L Capoy, Regional Director ng PRO8, bahagi ang naturang tagumpay ng patuloy na kampanya ng pulisya kontra ilegal na droga at kriminalidad alinsunod sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply