102nd Maneuver Company, katuwang sa mas pinaigting na water level monitoring at mobile patrol operations, ngayong tag-ulan

0
188

Katuwang sa mas pinaigting na water level monitoring at mobile patrol operations ang Team 102nd Maneuver Company sa mga kritikal na lugar sa kanilang Area of Responsibility (AOR) ngayong Agosto 8, 2026 bilang tugon sa patuloy na epekto ng Habagat at walang tigil na pag-ulan. Layunin ng operasyon na maagapan ang anumang panganib dulot ng pagtaas ng tubig at mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga komunidad.

Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagmomonitor, pag-iikot sa mga lugar na maaaring maapektuhan, at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad at komunidad, nananatiling alerto ang mga tauhan ng 102nd Maneuver Company upang makapaghanda at agad na makaresponde sa anumang emergency o insidente.

Ang patuloy na presensya ng kapulisan sa mga lugar na may panganib sa pagbaha ay bahagi ng pangako ng PNP sa maagap na pagtugon at pangangalaga sa mamamayan, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: 102nd MC RMFB1

Leave a Reply