Rank 6 Regional Most Wanted Person sa kasong qualified rape, arestado ng PRO NIR sa Sagay City, Negros Occidental

0
133

Arestado ng mga tauhan ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) ang Top 6 Regional Most Wanted Person na nahaharap sa dalawang bilang ng kasong qualified rape sa Barangay Rizal, Sagay City, Negros Occidental noong Agosto 5, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Sagay Component City Police Station sa pakikipagtulungan ng Provincial Intelligence Unit ng Negros Occidental Police Provincial Office sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng hukuman.

Ang akusado, na isang guro sa pampublikong paaralan, ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa pang-aabuso sa isang menor de edad. Ang pag-aresto ay isinagawa alinsunod sa umiiral na batas, kabilang ang paggamit ng Body-Worn Cameras at Alternative Recording Device upang matiyak ang transparency at accountability.

Pinuri ni Police Brigadier General Romano V. Cardiño, Regional Director ng PRO-NIR, ang matagumpay na operasyon at binigyang-diin na walang sinuman ang nakahihigit sa batas. Aniya, ang bawat indibidwal na nahaharap sa mabibigat na kaso ay nararapat na humarap sa hukuman upang manaig ang katarungan sa ilalim ng due process of law.

Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police na tugisin ang mga wanted person sa pamamagitan ng intelligence-driven operations at matatag na koordinasyon ng iba’t ibang yunit.

Layunin ng mga operasyong ito na tiyakin ang agarang pagpapatupad ng mga lawful court orders, papanagutin ang mga pinaghahanap ng batas, at higit sa lahat, maprotektahan ang mamamayan laban sa kriminalidad.

Sa ilalim ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” nananatiling nakatuon ang PRO-NIR sa pagbibigay ng episyente, propesyonal, at makataong serbisyo. Patuloy nitong isinusulong ang mga operasyong nagpapatibay sa tiwala ng publiko at nagpapatunay na ang batas ay umiiral para sa lahat, nang walang kinikilingan.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: PRO NIR

Leave a Reply