590 violators, huli sa pinaigting na Safer Cities Initiative ng Cebu PPO

0
31

Umabot sa 590 ordinance violators ang nahuli ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) sa isinagawang 295 synchronized anti-criminality operations sa buong lalawigan ng Cebu, noong Agosto 6, 2026.

Kabilang sa mga naitalang paglabag ang paglabag sa traffic ordinances, pag-inom ng alak at paninigarilyo sa pampublikong lugar, paglabag sa curfew ng mga menor de edad, paglalakad nang walang damit pang-itaas, at paggamit ng videoke lampas sa itinakdang oras.

Sa kabuuang bilang ng mga nahuli, 409 ang pinagmulta habang 181 ang binigyan ng babala at pinalaya.

Ayon sa CPPO, bahagi ito ng patuloy na pagpapatupad ng pulisya sa Safer Cities Initiative upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at disiplina sa mga komunidad sa buong lalawigan ng Cebu sa ilalim ng adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Flora Mae Asarez

Leave a Reply