2nd Cagayan PMFC, naghatid ng tulong at saya sa mga Agta sa Brgy. Sicalao, Lasam

0
34

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng serbisyong may malasakit, nagsagawa ang mga tauhan ng 3rd Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Community Outreach Activity para sa mga miyembro ng Agta Indigenous Cultural Community sa Brgy. Sicalao, Lasam, Cagayan noong Nobyembre 7, 2026.

Pinangunahan ni PLt Emilson B. Dayag, Platoon Leader, katuwang ang mga opisyal ng barangay, ang aktibidad na naglalayong makatulong sa mga pangangailangan ng mga pamilya sa komunidad. Namahagi ang kapulisan ng meryenda para sa 60 indibidwal, mga pre-loved na damit, at tig-lilimang kilo ng bigas para sa bawat isa sa sampung pamilya.

Nagpahayag naman ng pasasalamat at kagalakan ang mga benepisyaryo sa tulong at malasakit na ipinakita ng mga pulis. Ipinakita ng aktibidad ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng kapulisan at mga lokal na opisyal sa paghahatid ng serbisyo, lalo na sa mga malalayong komunidad.

Patuloy na isinusulong ng 2nd Cagayan PMFC ang mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa, malasakit, at inklusibong serbisyo publiko, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: 2nd Cagayan PMFC (https://www.facebook.com/share/p/19pY1QwUKR/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply