2 Suspek, arestado sa kasong pagnanakaw at trespassing sa Parañaque City

0
349

Arestado ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station ang dalawang lalaki matapos masangkot sa pagnanakaw at trespassing sa isang pribadong tirahan sa Barangay Sto. Niño, Parañaque City nito lamang Hulyo 20, 2025.

Kinilala ni Police Colonel Nicolas S Piñon, Officer-In-Charge ng Parañaque CPS, ang mga suspek na sina alyas “Rowel,” 25 taong gulang, at alyas “Jasper,” 22 taong gulang, na kapwa residente ng naturang lugar.

Nahuli ang nga suspek ng mga security officer habang bitbit ang isang kahina-hinalang puting sako.

Agad naman rumisponde ang mga tauhan ng Sto. Niño Police Sub-Station ng Parañaque na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 18 piraso ng gripo, dalawang regulator gauge, tatlong rolled royal cord, at isang gray wire na may kabuuang halagang higit Php148,000.

Kasong Theft ng Àrticle 308 ng Revised Penal Code at Article 208 o Qualified Trespass to Dwelling ang kakaharapin ng nga suspek.

Patuloy ang Parañaque PNP sa pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad sa kanilang lungsod.

Source: SPD PIO

Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos