Laging handang tumugon ang Cavite PNP sa panahon ng kalamidad

0
1806

Bilang tugon sa walang tigil na pag-ulan dulot ng Habagat, agad na naglunsad ng mga hakbang ang Cavite Police Provincial Office (PPO) sa pamumuno ni Police Colonel Ariel R Red, Acting Provincial Director.

Aktibong nakipag-ugnayan ang yunit sa PDRRMO, LGUs, at iba pang ahensya upang masigurong mabilis at epektibo ang pagtugon sa anumang emergency.

Kaagad na inactivate ang Reactionary Standby Support Force (RSSF), grupong tutugon sa search and rescue, crowd control, relief distribution, at iba pang operasyon. Naka-deploy sila upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga residente, lalo na sa mga lubos na apektadong lugar.

Sa mga binahang lugar, agad nagsagawa ng rescue operations ang mga pulis para ilikas ang mga residente, lalo na ang matatanda, bata, at PWDs patungo sa ligtas na lugar. Hindi inalintana ng kapulisan ang malakas na ulan at baha, masigurado lang ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Tuloy-tuloy ang tapat at maagap na serbisyo ng Cavite PPO para sa kaligtasan ng komunidad, lalo na sa panahon ng sakuna.