Arestado ang dalawang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Purok Buenavista, Barangay Poblacion, President Quirino, Sultan Kudarat nito lamang Biyernes ng madaling araw, Hunyo 20, 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Amir”, 34 anyos, at si alyas “Den”, 43 anyos, kapwa residente ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Norte.
Sa isinagawang operasyon ng President Quirino Municipal Police Station Drug Enforcement Unit (MPDEU) katuwang ang PIU/DEU at sa koordinasyon ng PDEA-12, nahuli ang dalawang suspek at nasamsam ang tinatayang 53 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php360,400 at iba pang non-drug evidence.
Muling pinaalalahanan ng Police Regional Office 12 sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Arnold P. Ardiente, Regional Director, ang publiko na hindi titigil ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga sa rehiyon. Hinihikayat ang bawat mamamayan na makiisa sa laban kontra krimen at agad isumbong ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang komunidad.



