Mekanikong nahulihan ng baril, arestado sa Sultan Kudarat

0
381

Arestado ang isang mekaniko sa ikinasang operasyon ng pulisya sa bisa ng search warrant sa Barangay Salabaca, Esperanza, Sultan Kudarat nito lamang Biyernes ng madaling araw, Hunyo 20, 2025.

Kinilala ng Police Captain Saldy C Maestre, Office-In-Charge ng Esperanza Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Son”, 38 taong gulang, may-asawa, at residente ng nasabing lugar.

Pinangunahan ng Esperanza Municipal Police Station katuwang ang 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company (SKPMFC) ang implementasyon ng Search Warrant para sa paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Nasamsam sa operasyon ang isang yunit ng caliber .45 na baril na Remington ang tatak, may serial number na 717539, kasama ang isang magasin at dalawang bala.

Paalala ng Police Regional Office 12 sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Arnold P. Audience, Regional Director, sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang ilegal na pag-iingat ng armas. Patuloy ang pinaigting na kampanya ng PNP kontra kriminalidad sa buong rehiyon.

Hinihikayat din ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad para sa isang ligtas at mapayapang komunidad.