2 drug personalities, arestado ng BCPO sa Bacolod City

0
187

Dalawang street-level drug personalities ang naaresto habang nasa 52 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng Php353,600.00 ang nasamsam sa magkahiwalay na buy-bust operations ng Bacolod City Police Office (BCPO) noong madaling-araw ng Agosto 10, 2026.

Unang isinagawa ang operasyon bandang 1:16 AM sa Purok Rose, Barangay 9, kung saan naaresto si alyas “Ray,” 34, kasunod ng matagumpay na buy-bust operation ng Police Station 2, BCPO, katuwang ang CDEU. Nasamsam sa suspek ang pitong sachet ng suspected shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 26 gramo at Standard Drug Price na Php176,800.00, kasama ang buy-bust money.

Makalipas lamang ang 22 minuto, muling umaksyon ang BCPO. Bandang 1:38 AM sa Purok Malinong, Barangay 39, naaresto naman si alyas “Dan,” 28, sa operasyon ng Police Station 1. Nakumpiska mula sa suspek ang ilang sachet ng suspected shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 26 gramo, na tinatayang nagkakahalaga rin ng Php176,800.00, bukod sa buy-bust money at cash proceeds.

Ang dalawang operasyon ay isinagawa batay sa itinakdang standard operating procedures. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay maayos na minarkahan, inimbentaryo, at kinuhanan ng larawan sa presensya ng mga suspek at kinakailangang mga saksi.

Ang dalawang naarestong indibidwal ay dinala sa kani-kanilang police station para sa dokumentasyon at wastong disposisyon, habang inihahanda ang kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni PBGen Romano V Cardiño, Regional Director, Police Regional Office-Negros Island Region, ang mga tauhan ng BCPO sa kanilang mabilis at koordinadong pagkilos laban sa ilegal na droga na nakabatay sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Leave a Reply