4 MWPs sa kasong rape, reckless imprudence resulting in homicide, paglabag sa R.A. 10883, at 9165, arestado ng PRO CAR

0
243

Sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-ulan at masamang lagay ng panahon, matagumpay na naaresto ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ang apat na Regional Most Wanted Persons (MWPs) sa magkakahiwalay na manhunt operations noong Agosto 9, 2026.

Katuwang ang Regional Intelligence Division at Regional Intelligence Unit-14, naaresto ng Baguio City Police Office ang Rank 2 Regional MWP, 51 anyos, na wanted sa dalawang bilang ng rape; No. 5 TMWP, 32 anyos, na wanted sa rape; No. 6 TMWP, 20 anyos, na wanted sa paglabag sa Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016; at No. 8 TMWP, 33 anyos, na wanted sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, naaresto rin ng Abra Police Provincial Office ang No. 6 Provincial TMWP, 59 anyos, na wanted sa kasong murder, habang nadakip naman ng Ifugao Police Provincial Office ang isang 31 anyos na wanted sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Pinuri ni PBGen Ericson D. Dilag, Regional Director ng PRO CAR, ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at katatagan sa pagtupad sa tungkulin sa kabila ng hamon ng masamang panahon.

Patuloy na nananatiling nakaalerto ang PRO CAR sa pagtugon sa mga landslide, pagbaha, pagsasara ng mga kalsada, at iba pang epekto ng malakas na pag-ulan, kasabay ng pagpapatuloy ng mga operasyon laban sa kriminalidad at pagtugis sa mga wanted person. Ipinakikita nito ang paninindigan ng kapulisan na pangalagaan ang kaligtasan ng publiko at tiyaking maihahatid ang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO CAR

Leave a Reply