1501st MC RMFB15, nagsagawa ng “PuroKalusugan” outreach sa liblib na Barangay sa Mayoyao, Ifugao

0
223

Nagpamalas ng malasakit at dedikasyon sa serbisyo publiko ang mga tauhan ng 1501st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 15 (1501st MC RMFB15), katuwang ang Youth Mobile Force (YMF) Ifugao, sa matagumpay na pagsasagawa ng “PuroKalusugan” Outreach Program noong Hunyo 6, 2026 sa liblib na Barangay Maga, Mayoyao, Ifugao. Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa Barangay Local Government Unit ng nasabing barangay at sa DOH-HRH sa pangunguna ni Nurse Michelle A. Buyuccan.

Sa kabila ng mahirap at mabatong daan, naglakad nang halos tatlong oras ang team upang marating ang komunidad at maihatid ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon, lalo na sa mga mag-aaral. Ipinakita ng mga pulis at boluntaryo ang kanilang kahandaan na magsakripisyo upang maabot ang mga geographically isolated and disadvantaged areas.

Tampok sa programa ang Information, Education, and Communication (IEC) sessions hinggil sa wastong kalinisan at sanitation, kamalayan laban sa terorismo, at pag-iwas sa ilegal na droga. Layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng mga residente at kabataan upang makabuo ng mas ligtas, mas malusog, at mas matatag na pamayanan.

Nagbigay rin ang grupo ng libreng gupit sa mga mag-aaral, nagsagawa ng medical check-up, at namahagi ng school supplies, gamot, at mga damit sa mga benepisyaryo. Nagsagawa rin ng team-building activities upang higit na mapatatag ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad.

Ang matagumpay na pagsasakatuparan ng “PuroKalusugan” ay patunay sa patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police at mga katuwang nitong ahensya na mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa bawat Pilipino, kaakibat ang pagsusulong ng adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP 1501st MC, RMFB 15

Leave a Reply