Nakapagtala ang Cebu Police Provincial Office (CPPO) ng zero crime incidents sa buong lalawigan ng Cebu sa unang araw ng pagbubukas ng klase para sa School Year 2026-2027 nitong lamang June 8, 2026.
Ayon kay PCol Abubakar Udang Mangelen Jr., Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office, nag-deploy ang kapulisan ng mga tauhan sa mga paaralan, pangunahing kalsada, at transport terminals upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at magulang.
Nagtalaga rin ng mga police assistance desk para sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko para sa epektibong paghahanda ng kapulisan at sa pagtutulungan ng mga paaralan, lokal na pamahalaan, at komunidad.
Patuloy naman ang pagpapatupad ng mga security measures ng CPPO upang mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran sa mga paaralan sa buong school year bilang bahagi ng malawakang adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”



