Youth Literacy Summer Camp ng RMFB8, matagumpay na nagtapos sa Capoocan, Leyte

0
595

Pinangunahan ng Regional Mobile Force Battalion 8 (RMFB 8) ang matagumpay na pagtatapos ng Youth Literacy Summer Camp sa pamamagitan ng isang recognition ceremony para sa 13 kabataang lumahok sa pitong araw na literacy workshop na ginanap noong Abril 20, 2026 sa Battalion Headquarters sa Brgy. Pinamopoan, Capoocan, Leyte.

Ang seremonya ay dinaluhan niĀ  Ma. Theresa S. Mooney bilang Guest of Honor and Speaker kung saan nagbahagi siya ng payo sa mga kabataang nakapagtapos, partikular na sa kahalagahan ng pagbasa at pagsulat upang higit pang mapatibay ang pundasyong pang-edukasyon ng mga kabataan.

Matapos ang awarding ceremony, nagsagawa si Ma. Theresa S. Mooney ng storytelling session para sa mga bata upang higit pang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbasa. Hinikayat din niya ang mga kalahok na ipagpatuloy ang araw-araw na pagbabasa bilang paghahanda sa kanilang pag-aaral.

Mainit namang sumuporta ang ilang mga tauhan ng RMFB 8, kabilang na sina PCpt Jouce Ann K Reoyan, Administrative and Human Rights Officer; PCpt Arbie P Agustin, Operations Officer; at PLt Roniel N Bello, Community Affairs and Investigation Officer, at iba pa.

Layunin ng aktibidad na suportahan ang kabataan sa pagkakaroon ng maayos na hinaharap kung saan magiging responsable silang katuwang ng pamahalaan sa pag-unlad at sa pagkamit ng progresibo at mapayapang mga komunidad.

 “The success of this workshop proves what we can achieve when we prioritize the education of our next generation,” pahayag pa ni PLtCol Dionesio A Maestre Jr., Acting Force Commander ng RMFB 8.

ā€œI highly commend our troops, particularly our police tutors, and I extend my gratitude to everyone who made this program successful. Your hard work has made a real difference in the lives of these young learners.” dagdag pa niya.

Panulat ni Nadie Mipania, BS Criminology from the Philippine College of Criminology

Leave a Reply