Wanted sa kasong paglabag sa RA 10591, naaresto sa San Jacinto, Pangasinan

0
88

Nasa kustodiya na ng San Jacinto Municipal Police Station ang isang lalaki matapos siyang arestuhin ng mga operatiba ng Mangaldan Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest, noong Mayo 29, 2026 sa Brgy. Población, San Jacinto, Pangasinan.

Kinilala ang naaresto na si Julius Biacan Del Rosario, 48-taong gulang, may asawa, construction worker, at residente ng Brgy. Embarcadero, Mangaldan, Pangasinan.

Isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng Mangaldan PS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng kanilang hepe na si PCol Perlito R Tuayon alinsunod sa Warrant of Arrest na inilabas noong Hunyo 30, 2020 kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Ang warrant ay inilabas ni Hon. Mervin Jovito S. Samadan, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 40, Dagupan City, Pangasinan.

Matapos ang kanyang pagkakaaresto, ipinaalam kay Del Rosario ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang lubos na nauunawaan at ginagamit. Nananatili sa kustodiya ng San Jacinto Municipal Police Station ang nasabing akusado habang isinasagawa ang mga kaukulang legal na proseso para sa kanyang pagdulog sa hukuman.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Mangaldan MPS

Leave a Reply