PNP at BFP, magkaagapay para sa mas ligtas at mas maunlad na Bagong Pilipinas

0
103

Ipinamalas ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO NIR) ang patuloy nitong pagsusulong ng pagkakaisa at mahusay na ugnayan sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mainit na pagtanggap kay FCSUPT Rodolfo P. Denaga, Regional Director ng Bureau of Fire Protection Negros Island Region nito lamang ika-29 ng Mayo 2026.

Sa pangunguna ni PBGen Romano V. Cardino, Regional Director ng PRO-NIR, binigyang-pugay si FCSUPT Denaga sa pamamagitan ng foyer honors bilang pagkilala sa kanyang pamumuno, dedikasyon, at mahalagang ambag sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa rehiyon.

Higit pa sa isang seremonyal na pagtanggap, ang aktibidad na ito ay sumasalamin sa matibay na samahan, paggalang, at pagkakaisang layunin ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo publiko. Sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon at kolaborasyon, mas napapalakas ang kakayahan ng mga ahensya na tumugon sa mga pangangailangan ng mamamayan at mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa buong Negros Island Region.

Patunay ang gawaing ito sa adhikain ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas na isulong ang serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pagkakaisa sa hanay ng mga lingkod-bayan.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: PRO Negros Island Region

Leave a Reply