Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 sa Barangay Pancho Villa, Sogod, Southern Leyte nito lamang ika-08 ng Setyembre 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dexter V Edillo, Acting Chief of Police ng Sogod Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Antonio”, 44 anyos, construction worker at residente ng Barangay Pancho Villa, Sogod, Southern Leyte.
Bandang 8:30 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Sogod Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may inirekomendang piyansa na Php200,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang Sogod PNP ay patuloy na maglulunsad ng mga operasyon para mahuli ang mga taong may pananagutan sa batas upang maihatid ang hustisya sa kanilang mga naging biktima at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad tungo sa minimithi natin na Bagong Pilipinas.



