Naaresto ng Bolinao Maritime Law Enforcement Team at Pangasinan MARPSTA Tracker Team ang isang wanted person sa Barangay Poblacion, Sual, Pangasinan bandang 10:00 ng umaga ng Disyembre 2, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Josh”, 19 taong gulang, fast-food crew, at residente ng Sitio Mayaman, Barangay Poblacion, Sual, Pangasinan.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property (RPC Art. 365) na may nakatakdang piyansang Php60,000.
“Ang tagumpay ng operasyon ay malinaw na patunay ng determinasyon ng PNP–Maritime Group na ipatupad ang batas sa lupa man o sa karagatan. Ito ay isang kongkretong pagsasabuhay ng direktiba ng ating Acting Chief, PNP PLtGen Jose Melencio C Nartatez, Jr. na tiyakin ang Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman ng publiko. Patuloy kaming kikilos upang matiyak na ang hustisya ay naipagkakaloob nang walang kinikilingan at walang pinipiling oras.”
Patuloy na hinihikayat ng PNP Maritime Group ang publiko at mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa pagpapalakas ng kampanya laban sa kriminalidad.
Sa tuloy-tuloy na pagkilos at dedikasyon ng Maritime Group, asahan ang mas ligtas, mas payapa, at mas maaasahang serbisyo para sa bawat Pilipino.



