Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Attempted Homicide sa Barangay 07 Poblacion, Maydolong, Eastern Samar nito lamang Oktubre 22, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Ryan C Naro, Officer-In-Charge ng Maydolong Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Gener”, 36 anyos, construction worker at residente ng Barangay 07 Poblacion Maydolong, Eastern Samar.
Naaresto ang suspek bandang 5:26 ng hapon ng mga tauhan ng Maydolong Municipal Police Station kasama ang Eastern Samar Provincial Intelligence Unit sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Attempted Homicide ng Article 249 ng Revised Penal Code na may inirekomendang piyansa na Php36,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang operasyon ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas at mapanatiling ligtas ang komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.

