Wanted Person, naaresto ng PNP-Maritime Group sa Davao Del Norte

0
504

Naaresto ng mga tauhan ng Davao Del Norte Maritime Police Station ng Philippine National Police–Maritime Group (PNP-MG) ang isang wanted person na may kasong paglabag sa Republic Act 9211 bandang 1:45 ng hapon ng Disyembre 16, 2025, sa Candelaria Street, Barangay 76-A, Ecoland, Davao City.

Kinilala ni PBGen Lou F Evangelista, Director ng PNP-MG, ang suspek na si alyas “Angel,” 46 taong gulang, may asawa, isang construction worker, at residente ng Purok Parrot, Barangay Inawayan, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Ang pag-aresto ay naisakatuparan sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 9211 o “Tobacco Regulation Act of 2003”, na may nakatakdang piyansa na nagkakahalaga ng Php3,000.

“Ang tagumpay ng operasyong ito ay malinaw na patunay ng determinasyon ng PNP–Maritime Group na ipatupad ang batas—sa lupa man o sa karagatan. Ito ay kongkretong pagsasabuhay ng direktiba ng ating Acting Chief, PNP, PLtGen Jose Melencio C Nartatez, Jr., upang matiyak na ang hustisya ay naipagkakaloob nang mabilis, tapat, at walang kinikilingan,” ani PBGen Evangelista.

Patuloy na hinihikayat ng PNP Maritime Group ang publiko, mga lokal na pamahalaan, at iba pang law enforcement partners na makipagtulungan sa kampanya laban sa kriminalidad, lalo na sa pagbibigay ng tamang impormasyon at suporta sa mga operasyon ng kapulisan.