Walk through Inspection kaugnay sa SONA 2026, isinagawa ng QCPD

0
314

Isinagawa ng pamunuan ng Quezon City Police District sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Randy Glenn Silvio, District Director, ang walk-through inspection kaugnay sa State of the Nation Address 2026 bandang 2:00 ng hapon nito lamang Hulyo 22, 2026 sa kahabaan ng Commonwealth New Estates, Quezon City.

Ito ay isinagawa bilang paghahanda para sa ika-5 SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si PBGen Elmo D.G. San Diego (Ret.), pinuno ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS); PCol Rossel Cejas, Chief ng District Intelligence Division; PCol Vicente Bumalay Jr., Chief ng District Operations Division; PCol Alex Pederio, Chief ng District Logistics Division; PLtCol Mario Manipon, Chief ng QCDHPT; gayundin ang mga kinatawan mula sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan.

Nagtapos ang aktibidad sa paglagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ng mga organizer ng mga pagtitipon at ng mga kinauukulang ahensiya, bilang pagpapakita ng kanilang sama-samang pangako na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong panahon ng isasagawang programa na layunin sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

Source: Quezon City Police District

Leave a Reply