Nagsagawa ng Tree Planting Nurturing Activity ang kapulisan ng Laguna Police Provincial Office sa Tayak Hills, Barangay Tala Rizal, Laguna nito lamang ika-25 ng Abril 2024.
Kasama sa nakiisa sa aktibidad ang mga miyembro ng RPCADU 4A, PCADU Laguna, Rizal Municipal Police Station, Luisiana MPS, Famy MPS, PMFC Laguna, Bay MPS at mga Force Multipliers.

Ang nurturing activity ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-cultivate, pagtanggal ng mga damo malapit sa puno upang matiyak ang patuloy na paglago at pagdami ng mga naitatanim na puno.
Isinasagawa ito quarterly ng ating mga kapulisan at komunidad na may pagpapahalaga sa ating kalikasan.

Layunin ng aktibidad na ipagpatuloy at pangalagaan ang likas na yaman ng ating bayan. Alinsunod sa core values ng PNP ang makakalikasan na simbolo ng pagmamahal at pagtangkilik sa ating kalikasan.
Source: RPCADU4A
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales