Naaresto ng Cateel PNP ang tinuturing na Top 2 Provincial Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape dakong 10:00 ng umaga noong Hunyo 24, 2025 sa Sitio Touhan, Barangay Aragon, Cateel, Davao Oriental.
Kinilala ni Police Captain Marvin L ParreƱo Jr. Officer-In-Charge ng Cateel Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Merlito”, 57 taong gulang, isang laborer, at residente ng Macahigad, Barangay San Alfonso, Cateel, Davao Oriental.
Nahaharap ang suspek sa kasong Statutory Rape alinsunod sa Artikulo 266-A(1)(D) kaugnay ng Artikulo 266-B ng Revised Penal Code na inamyendahan ng Republic Act 8353.
Ang pagkakaaresto kay Merlito ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng Philippine National Police laban sa mga wanted na indibidwal, partikular na yaong sangkot sa mga kasong may mabigat na parusa tulad ng panggagahasa.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino



