Mas Police visibility at Area Security, mas pinaigting ng Alabel PNP

0
206

Mas pinaigting ang police visibility at area security ng mga tauhan ng Alabel Municipal Police Station upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Población, Alabel, Sarangani Province nito lamang Hunyo 22, 2025.

Ang naturang aktibidad sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo S Delaintein, Hepe ng Alabel Municipal Police Station, bilang bahagi ng kanilang regular na beat patrol duty.

Ito ay alinsunod sa kampanya ng pamahalaan na sa ā€œBagong Pilipinas ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!ā€ na naglalayong palakasin ang presensya ng pulisya at tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Ang nasabing operasyon ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng PNP na maging mas visible, responsive at accessible sa mga komunidad upang mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad at mapanatili ang kaayusan sa lugar.