Naaresto ng Regional Maritime Unit 4B kasama ang iba pang yunit ng pulisya ang isang Top 10 Provincial Most Wanted Person ng Oriental Mindoro sa isinagawang manhunt operation bandang 9:45 ng gabi ng Oktubre 6, 2025 sa Barangay Lazareto, Calapan City, Oriental Mindoro.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Joe”, 25 taong gulang at residente ng Sitio Silangan, Barangay Lazareto, Calapan City, Oriental Mindoro.
Siya ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder at Frustrated Murder sa ilalim ng Criminal Case No. CR-22-16192 at CR-22-16193.
Patuloy na pinagtitibay ng PNP Maritime Group ang kampanya laban sa mga nagkasala sa batas at pagtugis sa mga Most Wanted Person upang matiyak ang kaligtasan at katahimikan ng ating komunidad.
Panulat ni Pat Jeanno Jay T Santos

