Arestado ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person (MWP) ng Davao City sa isinagawang joint law enforcement operation ng mga awtoridad noong Hunyo 3, 2026, dakong 8:10 ng gabi sa Kulasi, Brgy. Labangal, General Santos City.
Pinangunahan ang operasyon ng Police Station 4 sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Major Raymundo B Bacera Jr., Station Commander, sa pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng General Santos City Police Station 2, CIDG Davao City Field Unit, at TSC RMFB 11.
Kinilala ang suspek na si alias “Bagay,” na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 5, Paragraph 1 kaugnay ng Section 25, Article II ng Republic Act 9165, na inamyendahan ng R.A. No. 10640, sa ilalim ng Criminal Case Number R-DVO-21-04835-CR na walang inirekomendang piyansa.
Walang humpay ang kampanya ng PNP upang matiyak na ang mga nagtatagong pugante ay maaresto at mananagot sa batas. Sa pamamagitan ng matibay na ugnayan ng mga ahensya ng gobyerno at ng suporta ng komunidad, patuloy na maisusulong ang kapayapaan, kaayusan, at katarungan sa lungsod na angkop sa layunin ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



