Naaresto ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang tinaguriang Top 1 Municipal Level Most Wanted Person sa isinagawang operasyon sa Guballa Compound, Brgy. Tigbe, Norzagaray, Bulacan noong gabi ng Mayo 1, 2026.
Kinilala ni Police Major Demosthenes G. Desiderio Jr., Officer-In-Charge ng Norzagaray MPS, ang suspek na isang 20-anyos, construction worker, residente ng naturang lugar na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na may Criminal Case No. 2145-M-2026 at walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang pinaigting na operasyon ng Bulacan Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Jay B Baybayan, Officer-In-Charge, laban sa mga Most Wanted na personalidad upang matiyak ang agarang pagdakip sa mga lumalabag sa batas at maibigay ang hustisya sa mga biktima.
Samantala, hindi naman titigil ang PRO3 sa pagtugis sa iba pang mga pugante na patuloy na nagtatago sa batas upang maibigay ang tamang hustisya sa kanilang mga biktima at matiyak ang kaligtasan ng lahat. Ito ay naaayon sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



