Php210K halaga ng shabu, nasabat ng Cagayan PNP; suspek, arestado

0
34

Arestado ang isang 43-anyos na lalaki matapos makuhanan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php210,000 sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Cagayan Police Provincial Office sa Barangay Annafunan West, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Mayo 1, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Mariano C. Rodriguez, Regional Director ng Police Regional Office 2, ang suspek na si alyas “Sherwin”, residente ng nasabing lungsod.

Narekober sa operasyon ang limang pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 31 gramo at tinatayang halagang Php210,000, kasama ang drug paraphernalia, cellphone, at iba pang gamit.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Magsilbi sana itong babala sa mga lumalabag sa batas na hindi titigil ang PNP sa mga operasyon laban sa ilegal na droga. Titiyakin natin na mananatiling ligtas, payapa, at maayos ang ating rehiyon alinsunod sa ipinapairal na batas,” ani ni PBGen Rodriguez.

Samantala, hindi titigil ang kapulisan ng PRO2 sa pagsugpo sa mga ipinagbabawal na gamot para sa ligtas at maayos na komunidad, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply