Arestado ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa ikinasang manhunt operasyon ng Sison Municipal Police Station sa Barangay Palong, Malasiqui, Pangasinan nito lamang Linggo ng 11:45 ng umaga, Hunyo 15, 2025.
Kinilala ni Police Major Jervel O Rillorta, Hepe ng Sison MPS, ang suspek na si alyas “Jessie”, 34-anyos, dating myembro ng AFP, isang driver at residente ng Bilasco St., Taguig City.
Nahaharap ang suspek sa kasong 3 Counts of Robbery in Band sa ilalim ng Article 299 in relation to Art 296 ng Revised Penal Code na may itinakdang pyansa na Php300,000.
Agad namang isinailalim ang suspek sa physical at medical examination sa Pozorrubio Community Hospital bago tuluyang dalhin sa kustodiya ng Sison MPS para sa tamang disposisyon.
Patuloy na paiigtingin ng PNP ang kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas at mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa bansa.
Source: Sison MPS