Umabot sa halagang Php510,000 ang tinatayang kabuuang halaga ng hinihinalang shabu na nasabat mula sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Tugbok Police Station sa Purok 1, Barangay Mintal, Tugbok District, Davao City noong Hunyo 15, 2025.
Target ng operasyon ang isang overseas Filipino worker (OFW) na si alyas “Nel”, 47 anyos, residente ng Phase 5B, Mahogani Street, Barangay Tugbok, at kinikilala bilang Top 2 High Value Individual (HVI) sa City Level.
Nadakip si alyas “Nel” matapos makumpirma ang bentahan ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation.


Nasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 75 gramo ng hinihinalang shabu kasabay ang iba pang ebidensya.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
Ang matagumpay na pagkakaaresto kay alyas “Nel” ay isang malinaw na mensahe sa mga sangkot sa ganitong uri ng gawain na hindi kailanman magwawagi ang krimen sa ilalim ng batas. Nanawagan ang kapulisan sa publiko na patuloy na makipagtulungan at maging mapagmatyag upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating mga komunidad. Sama-sama nating sugpuin ang salot na droga sa ating lipunan.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino



