Mangingisdang miyembro ng TIMEK sa Agoo, La Union, boluntaryong sumuko sa gobyerno

0
324

Isang mangingisdang miyembro ng TIMEK sa Agoo, La Union ang boluntaryong sumuko sa gobyerno at mga lokal na opisyal dakong alas-2:30 ng hapon ng Hunyo 14, 2025 sa Barangay San Manuel Norte, Agoo, La Union.

Pinangunahan ng 2nd La Union Provincial Mobile Force Company (2nd LUPMFC) sa pangunguna ni PLtCol Roland M Kingat, Force Commander, ang Agoo Municipal Police Station (MPS), TSC-RMFB1, BHQ-RMFB1, Regional Intelligence Division (RID), Police Intelligence Team (PIT) La Union RIU1, at La Union Police Intelligence Unit (LUPIU), sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Barangay San Manuel Norte.

Sa nasabing operasyon, boluntaryong sumuko at kumalas ang isang mangingisda na si “Ka Ricky”, 47 taong gulang, may asawa, at residente ng naturang barangay, mula sa kanyang suporta at pagkakaugnay sa grupong Timek Ken Namnama Dagiti Babassit a Mangngalap ti La Union (TIMEK) — Agoo Chapter. Ang TIMEK ay itinuturing na konektado sa mga CPP-NPA-NDF na kilusang komunista sa bansa.

Ayon kay PLtCol Kingat, nagpasya si “Ka Ricky” na kumalas sa grupo upang mamuhay nang walang kaugnayan sa anumang organisasyong konektado sa CPP-NPA-NDF. Sumailalim siya sa kaukulang custodial debriefing para sa kanyang kaligtasan at tamang disposisyon.

Patuloy ang pagtutulungan ng kapulisan, militar, at mga barangay officials upang hikayatin ang iba pang mga indibidwal na makiisa sa programang pangkapayapaan at tuluyang talikuran ang suporta sa mga grupong nagdudulot ng kaguluhan at takot sa komunidad.

Source: PMFC La Union/RMFB

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan