Tatlong parangal, natanggap ng DCPO sa ika-31st Police Community Relations Month Celebration

0
30

Kinilala ang Davao City Police Office (DCPO) sa pangunguna ni Police Colonel Peter B Madria, City Director, bilang Outstanding Police Community Affairs and Development (PCAD) Unit sa kategoryang Provincial City Police Office para sa taong 2026.

Kasabay nito, kinilala rin sina Police Major Rocheen M Lagnayo bilang Outstanding PCAD Junior PCO at PMSg Michelangela D. Daquiado bilang Outstanding PCAD Senior PNCO sa ginanap na Culmination at Awarding Ceremony ng ika-31st Police Community Relations (PCR) Month Celebration sa PRO 11 Pulis Bagani Hall, Camp Sgt. Quintin M. Merecido, Buhangin, Davao City, noong Hulyo 31, 2026.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, Regional Director ng PRO 11, ang paggawad ng mga parangal at binigyang-diin ang kahalagahan ng matatag na ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at tiwala ng mamamayan.

Ang mga parangal na ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng Davao City Police Office sa pagbibigay ng tapat, mahusay, at makataong serbisyo para sa mas ligtas at mas maayos na pamayanan na naaayon sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Davao City Police Office

Leave a Reply