Nag-uwi ng pambansang parangal ang dalawang Unit ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa pagdiriwang ng 19th Human Rights Affairs Office (HRAO) Founding Anniversary noong Agosto 26, 2026. Kinilala ang Tarlac Police Provincial Office (PPO), sa pamumuno ni PCol Harry R. Lorenzo III, bilang “Best Police Provincial Office of the Year – National Level,” habang itinanghal naman ang Cuyapo Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ni PLtCol Perfecto F. De Mayo Jr., bilang “Best Municipal Police Station of the Year – National Level.”
Ipinakita ng mga natanggap na parangal ang natatanging pagsisikap ng dalawang yunit sa pagsusulong ng human rights-based policing, accountability, professionalism, at responsive public service. Sumasalamin din ang pagkilalang ito sa kanilang patuloy na pagpapatupad ng mga police operation at serbisyo na nakabatay sa batas, may paggalang sa dignidad ng bawat indibidwal, at nakatuon sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko.
Ayon kay PBGen Jess B. Mendez, Director ng PRO3, ang mga parangal ay hindi lamang pagkilala sa mahusay na pagganap ng mga personnel kundi isang paalala ng responsibilidad na patuloy na maihatid ang serbisyong propesyonal, accountable, magalang, at responsive. “These awards affirm the work of our personnel, but they also remind us of the standard our people expect—professional, accountable, respectful, and responsive police service. We must continue earning public trust through the way we perform our duties every day.” (Ang mga parangal na ito ay nagpapatunay sa mabuting gawain ng ating mga tauhan, ngunit nagsisilbi rin itong paalala sa pamantayang inaasahan ng ating mga mamamayan—isang serbisyong pulis na propesyonal, may pananagutan, may paggalang, at maagap na tumugon. Patuloy nating kamtin at panatiliin ang tiwala ng publiko sa pamamagitan ng maayos at tapat na pagtupad sa ating mga tungkulin araw-araw), aniya.
Patuloy na pagtitibayin ng PRO3 ang human rights-based policing at responsableng pagpapatupad ng batas bilang bahagi ng pagsusulong ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PRO 3 (https://www.facebook.com/share/p/1C558jJqYm/)



