Suspek sa kasong panggagahasa, arestado sa Bugallon, Pangasinan

0
33

Naaresto ng mga operatiba ng Bugallon Municipal Police Station (MPS), katuwang ang RIU1-PIT Pangasinan, ang isang lalaki na nahaharap sa dalawang bilang ng kasong panggagahasa sa isinagawang operasyon sa Brgy. Poblacion, Bugallon, Pangasinan noong Hunyo 19, 2026.

Kinilala ang akusado sa alyas na “Ramon,” 44 taong gulang, may asawa, helper, at residente ng Sitio Leesim, Brgy. Umanday, Bugallon, Pangasinan.

Isinagawa ang pag-aresto bandang alas-11:02 ng umaga sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape (2 Counts) sa ilalim ng Criminal Case Nos. L-16365 at L-16366, na inilabas noong Hunyo 17, 2026.

Ang warrant ay nilagdaan at inisyu ni Hon. Maria Laarni Ramos Parayno, Presiding Judge ng RTC, First Judicial Region, Branch 68, Lingayen, Pangasinan. Ayon sa kautusan ng hukuman, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago iharap sa hukuman. Muling pinagtibay ng kapulisan ang kanilang pangako sa mahigpit na pagpapatupad ng batas at sa pagtiyak na mapapanagot ang mga indibidwal na nahaharap sa mabibigat na kaso, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSG Carmela G Danguecan

Source: Bugallon MPS

Leave a Reply