Rank 2 Municipal Most Wanted Person sa kasong attempted rape, arestado ng Norzagaray PNP

0
32

Naaresto ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang Top 2 Most Wanted Person sa Municipal Level sa isinagawang manhunt operation sa Sitio Ibayo, Brgy. Matictic, Norzagaray, Bulacan bandang 5:20 ng hapon noong Hunyo 17, 2026.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ismael C Gauna, Hepe ng Norzagaray MPS, ang suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest na para sa 3 counts ng kasong Attempted Rape na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php360,000.

Pinuri ni Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon at binigyang-diin ang patuloy na mas pinaigting na manhunt operations ng kapulisan laban sa mga wanted persons bilang bahagi ng kampanya upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan na layunin ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply