Arestado ng kapulisan ng Lila ang suspek na sangkot sa pananaksak at pagpatay sa lalaking biktima sa Purok 2, Cogon, Lila, Bohol, noong ika-17 ng Agosto 2025.
Kinilala ni Police Major Rey Olar, Officer-In-Charge ng Lila Municipal Police Station, Bohol Police Provincial Office, ang suspek na si “Glenn”, 46-anyos na residente ng naturang lugar.
Ayon kay PMaj Olar, bandang 10:20 ng gabi nang makatanggap ng tawag ukol sa insidente. Pauwi umano galing sa inuman ang biktimang si “Crisologo” at kasama nitong si “Arvin” nang mapadaan sila sa bahay ng suspek ay dali-dali itong kumuha ng itak.
Walang kaabog-abog na hinabol ng suspek si “Arvin” ngunit ito ay nakatakas, kung kaya kinompronta nito ang biktimang si “Crisologo”.
Sinubukan pang manglaban ng biktima gamit ang kawayan ngunit ayaw paawat ng suspek sa pananaksak na naging dahilan ng pagbagsak ng biktima sa lupa.
Kaagad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong “dead on arrival”.
Samantala, kaagad namang inaresto ng kapulisan ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Lila MPS.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong Murder.
Dagdag pa rito, may alitan umano si “Arvin” at ang suspek na naging motibo sa pananaksak ng suspek.
Ang kapulisan ng Lila ay nangangakong mas papaigtingin pa ang kanilang kampanya na labanan ang lahat ng uri ng kriminalidad upang matiyak ang kaayusan, at kapayapaan dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!!.
Source: Lila MPS SR



